(Eagle News) — Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT-3 dahil sa delay sa deployment ng mga tren nito kaninang umaga, dahilan upang humaba ang pila ng mga pasahero sa bawat istasyon.
Sa abiso ng MRT-3, sinabi nila na ito ay dahil sa isinagawang pre-insertion checks.
Kanina, tiniyak naman ng MRT-3 na magdaragdag pa ng mga tren upang makaagapay sa mga apektadong pasahero.
Nasa 12 tren na ang operational sa linya ng MRT-3, habang ang isa pang tren ay inihahanda na para sa insertion.
“We apologize for the inconvenience caused and we will be taking measures to ensure higher train availability earlier in the morning,” pahayag ng pamunuan ng MRT.