MRT 3 muling nagkaaberya

MANILA, Philippines (Eagle News) – Muling nagkaroon ng aberya ang MRT 3 sa Quezon Avenue station South Bound kaninang umaga, Lunes, August 15, pasado alas kuwatro ng madaling araw, dahil sa technical problem.

Sa nangyaring aberya, biglang humaba din ang pila ng mga commuter sa North Ave. Station. Subalt ligtas namang na-ibaba ang mga pasahero nito sa platform ng Quezon ave. Station.

Kaagad namang naibalik sa normal byahe at operasyon ng tren pasado alas-singko ng umaga.

Courtesy: Jet Hilario