QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Maagang nakaranas ng aberya ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3).
Sa abiso ng MRT-3, pinababa ang mga pasahero sa GMA-Kamuning station southbound kaninang alas 6:10 ng umaga dahil sa naranasang technical problem ng isa sa mga tren.
Nasa 1,000 pasahero ang naapektuhan ng insidente at kinailangang pababain sa tren na nagkaroon ng electrical failure.
Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), ang naranasang electrical failure ay dahil sa “worn out electrical subcomponents” ng tren.
Dahil sa panibagong aberya, umabot na sa 22 ang naitatalang aberya sa MRT-3 ngayong buwan ng Disyembre.