Eagle News – May libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) at ang Light Rail Transit (LRT) sa June 12 para sa paggunita sa ika-119 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Sa abiso ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), sa Lunes, June 12, ay magbibigay ng libreng sakay ang MRT at LRT mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga, at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Kabilang sa mga aktibidad sa Lunes ang job fair ng Department of Labor and Employment at ang medical, dental at optical services ng Department of Health, Metropolitan Manila Development Authority, at Manila City government sa Rizal Park.