Mt. Kanlaon Natural Park, bukas na sa trekkers

(Eagle News) – Muling binuksan ang Mt. Kanlaon Natural Park sa mga trekker.

Ito ay matapos magbalik-normal ang estado ng Mt. Kanlaon, na inilagay sa estadong aktibo dalawang buwan ang nakakaraan.

Ayon kay Joan Nathaniel Gerangaya, special concerns head ng Provincial Environment and Natural Resources Office, bukas na rin ulit ang mga trails paakyat sa bundok.

Php1,000 ang itinakdang bayad para sa kada foreign trekker na nais umakyat sa bundok, ayon sa forester na si Rally Cagayanan,

Php500 naman ang ibabayad ng bawat Pilipino.

Sampung trekkers lamang umano ang papayagan sa bawat trail.

Ang mga nais mag-explore naman ng natural park ay magbabayad ng P300 sa Department of Environment and Natural Resources.

Related Post

This website uses cookies.