Na-stranded na marine mammal, na-rescue sa Puerto Princesa City

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Isa na namang marine mammal ang na-rescue ng mga tauhan Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) mula sa pagkakastranded nito sa baybayin ng Puerto Princesa City noong Linggo, July 30.

Ang marine mammal  na nakita sa Brgy. Napsan ay may timbang ng halos 150 kilos.

Ito ay kinakitaan din ng mga sugat mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan na maaaring bunga ng pagkasadsad nito sa buhangin.

Kinailangan pang hukayin ang buhangin sa gilid ng naturang marine mammal upang madala siya sa malalim na bahagi ng karagatan.

Kamakailan ay napaulat din ang pagka-stranded ng isang Risso dolhin sa baybayin din ng isa pang barangay sa naturang siyudad.

Muli din itong ibinalik ng mga nauhan ng PCSD pabalik sa kaniyang natural habitat.

Rox Montallana at Jupiter Almoroto – Eagle News Correspondent, Palawan

 

 

Related Post

This website uses cookies.