Nadiskubreng balota sa isang abandonadong gusali, rejected – Comelec

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec)-Pangasinan na isang rejected ballot at hindi counted ballot ang natagpuan sa isang abandunadong lugar sa Alaminos City. Ayon sa ahensya, hindi ito maituturing na ebidensya sa anumang reklamo ng dayaan ang nasabing balota dahil hindi naman ito counted.