(Eagle news) — Umabot na sa 4,300 ang naitalang kaso ng tigdas sa bansa.
70 sa mga ito ang kumpirmadong namatay.
Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo, batay ito sa latest report ng Department of Health.
Aminado si Domingo na sa nakalipas na lima hanggang sampung taon ay hindi naaabot ng pamahalaan ang 90 percent target nito sa immunization program.
Nasa 70–80 percent lamang umano nang target nilang bilang ng kabataan ang nababakunahan.
https://youtu.be/DIsIST8wODA