BONTOC, Mountain Province (Eagle News) — Nagdulot ng malaking perwisyo sa maraming motorista ang pagkasira ng Nakagan bridge sa Mountain Province noong Linggo, ika-14 ng Mayo.
Nasira ang temporary bridge na dinadaanan ng mga sasakyan at manlalakbay paloob at palabas sa bayan ng Bontoc nang tumaas ang lebel ng tubig ng Sabangan River dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan na tumagal ng halos apat na oras.
Karamihan sa mga manlalakbay ay naglakad na lamang at maingat na tinawid ang ilog sa pamamagitan ng hanging bridge, na inilagay ng Department of Public Works and Highways.
Ang iba naman ay sa sasakyan na lamang nagpalipas ng gabi.
Sa kasalukuyan ay inaayos ng mga awtoridad ang nasirang tulay.
(Eagle News Correspondent Charles Nidoy)