(Eagle News) — Umakyat na sa walong katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng malalakas na mga pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) Executive Director at Undersecretary Ricardo Jalad, dalawa ang naitalang nasawi sa Metro Manila habang dalawa rin sa General Nakar sa Quezon Province matapos na mag-collapse ang tunnel sa nabanggit na lugar.
Dalawa rin ang patay sa Quezon City, isa sa Iloilo at isa rin sa Palawan.
Pito naman ang iniulat na nasugatan at anim pa ang nawawala.
Samantala, ayon pa kay Jalad, hindi na kailangan pa ang pagdedeklara ng state of calamity sa mga lugar na apektado ng mga pag-ulan dahil sa Habagat.
Sa ngayon nasa higit 32,000 pamilya na ang inilikas kung saan ang iba ay pansamantalang nasa mga evacuation center sa iba’t ibang panig ng bansa.