QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa isang residential house na pagmamay-ari ng mag-asawang Alex at Thelma Dalumpines sa may No. 6 Gen. Martin Delgado St., Hilda Village, Brgy. Tandang Sora, Quezon City noong Miyerkules, March 15. Bandang 12:07 ng tanghali ng nakitang nasusunog ang nasabing bahay.
Unang rumesponde ang Firefighting Unit ng Brgy. Tandang Sora na agad nagdeklarang 1st and 2nd alarm bandang 12:19 ng tanghali. Itinaas na ito sa ikatlong alarma ng bandang 12:22 ng tanghali. Hindi naman nadamay ang katabing bahay dahil may firewall ito. Bandang 12:48 idineklarang fire under control na ito at bandang 12:55 fire-out na ito.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng BFP ay nagsimula ang sunog sa kusina na kung saan ang napabayaang water heater ang pinagmulan ng apoy. Wala namang napaulat na nasaktan at casualties sa insidente. Umabot din sa 25 firetrucks ang rumesponde at tinatayang 200 thousand ang naging napinsala na ari-arian.
Ian Jasper Ellazar – EBC Correspondent, Quezon City