(Eagle News) — Pinayagan ng Sandiganbayan (SB) Fourth Division na makapagpiyansa sina Masbate Governor Rizalina Seachon-Lañete at binansagang “Pork Barrel Queen” Janet Lim-Napoles kaugnay ng kanilang kasong plunder at graft dahil sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.
Para sa anti-graft court, mahina ang mga ebidensyang naipresinta ng prosekusyon para sa mga akusado.
Ayon din sa korte, kalahating milyong piso ang magiging bail bond ng bawat akusado sa kaso.
Dahil sa naturang development, makakalabas muna si Seachon-Lañete sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) female dormitory sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, ngunit mananatiling nakakulong si Napoles dahil kailangan niyang pagsilbihan ang hatol ng Makati Regional Trial Court na reclusion perpetua o panghabambuhay na pagkakakulong dahil sa serious illegal detention case na inihain ni Benhur Luy.
Samantala, tuluyan nang nakapagpiyansa si Seachon-Lañete para sa pa
nsamantalang kalayaan nito.
Limang daang libong piso ang ibinayad ng gobernadora para sa plunder case nito habang P350,000 naman para sa kinakaharap niyang 11 counts of graft case kaugnay pa rin ng pork barrel scam.