ANDA, Pangasinan (Eagle News) – Ang mga nararanasang pag-ulan sa Pangasinan ay maaring makatulong upang mawala ang problema sa red tide toxin sa baybayin ng Anda at Bolinao.
Ayon ito kay Dr. Wesley Rosario ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa pamamagitan ng pag-uulan ay mababawasan umano ang salinity o labis na alat ng tubig, at mangangamatay ang red tide organism.
Nagbabala naman si Rosario sa labis na pag-ulan, at maaari diumano nitong maapektuhan ang industriya ng pagbabangusan dahil sa fish kill.
Ayon kay Rosario, maaari ring maapektuhan ang hatchery operation dahil nasa kalagitnaan ngayon ng breeding ng bangus ang mga hatchery farm sa probinsya.
Nora Dominguez – EBC Correspondent, Pangasinan