MANILA, Philippines (Eagle News) — Kahit inako na ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang naganap na pagsabog sa Davao City nitong Biyernes ng gabi (Septyembre 2), hindi pa rin inaalis ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na may kinalaman ito sa pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.
May posibilidad kasi ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa na bahagi ito ng diversionary tactics ng mga sindikato ng droga para maalis sa kanila ang pansin ng gobyerno.
Kasabay nito, nanindigan si Dela Rosa na sa kabila ng pangyayaring ito ay hindi matitinag ang Duterte Administration sa kanilang paglaban sa iligal na droga.
Sa ngayon, maraming anggulo at teorya aniya ang kanilang pinag-aaralan kaugnay ng naganap na pagsabog, maliban kasi sa anggulo ng terorismo ay may lumulutang din na ito ay tungkol sa away-negosyo.