MANILA, Philippines (Eagle News) — Magde-deploy sa susunod na buwan ng nasa isandaang (100) bagong immigration officer ang Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang major port sa buong bansa.
Ayon kay Chief Personnel Officer Grifton Medina, ito kasi ang magsisilbing on-the-job-training ng mga bagong recruit na immigration officer matapos ang dalawang buwang training sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga noong nakaraang linggo.
Sa nasabing training ay itinuro sa kanila ang immigration laws, rules at procedures.
Sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas na napapanahon ngayon ang mga bagong recruit para sa pagpapatupad ng rationalization program ng gobyerno sa NAIA.
Kabilang sa rationalization scheme ay ang pagpapatigil pansamantala ng operayon ng international flight sa NAIA Terminal 2.
Kaya naman lahat ng international flight sa ngayon ay malilipat muna sa Terminal 1 at 3.
Mag-i-install din umano ng karagdagang workstations ang BI Management Information Systems Division Office sa immigration arrival at departure area ng NAIA Terminal 3.
https://youtu.be/1XI_l_hk0wg