(Eagle News) — Maaaring mawalan ng trabaho ang nasa 15,000 health workers kasunod ng pagkakaroon ng mababang budget ng Department of Health (DOH) sa susunod na taon.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque, maraming mga kontraktwal na manggagawa ang posibleng matanggal sa kanilang posisyon.
Una rito, iginiit ng Department of Budget and Management (DBM) na ang isa sa mga maapektuhan ng budget cut ang health human resources deployment dahil ang pondo ay inilipat sa maintenance and other operating expenses fund ng ahensya.