(Eagle News) — Nakatakda nang maglabas ng opisyal na school calendar ang Department of Education (DepEd) para sa darating na academic year.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nasa 29 milyong mag-aaral ang inaasahang papasok sa pagbubukas ng pasukan sa susunod na buwan.
Bukod pa ito sa 1.5 milyon mag-aaral sa Senior High School ngayong taon.
Samantala, itinakda na sa Hunyo 4 ang pagbubukas ng klase sa School Year 2018-2019, habang maaari namang i-resched ng mga pribadong paaralan ang kanilang pagsisimula ng klase hanggang sa Agosto 4.
Dahil rito, minamadali na ng DepEd ang pagtatayo ng mga classroom upang mabawasan na rin ang kakulangan ng pasilidad para sa mga mag-aaral.