(Eagle News) — Nasa halos limangdaang (500) pribadong eskwelahan ang nakaambang magtaas ng kanilang matrikula para sa darating na School Year 2018-2019.
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, pwede pa itong madagdagan dahil sa ngayon ay anim na rehiyon pa lang ang nagbigay ng kanilang report kasama ang National Capital Region, Calabarzon, Mimaropa, Caraga, Region 10 at Region 12.
Samantala, hindi matiyak ni Mateo kung magkano ang idadagdag sa matrikula.
Una nang sinabi ng DepEd sa NCR na limitado lang sa 15% ang tuition hike.
Paliwanag pa ng opisyal, karamihan sa mga eskwelahan ay nag-apply ng tuition increase para maitaas ang sweldo at benepisyo ng kanilang mga empleyado.
https://youtu.be/ZoTTR6QPgbA