QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Nasa 6,000 ang mga pulis na ipapakalat sa paligid ng Batasan sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon pa kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Quezon City Police District, kasado na ang dayalogo ng pulis sa mga grupo na magsasagawa ng rally kasabay ng SONA sa ika-24 ng Hulyo.
Sinabi ni Eleazar na bagamat pinayagan nila ang mga raliyista na makalapit sa Batasan, nakahanda namang tumugon agad ang mga pulis sakaling mayroong sumiklab na gulo.
Nilinaw ni Eleazar na ang paghihigpit sa seguridad sa lugar ay walang kinalaman sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi.
Ito aniya ay normal lamang sa tuwing sumasapit ang SONA ng sinomang presidente.