CEBU CITY, Philippines (Eagle News) – Nasa 68 na katao ang isinugod sa iba’t ibang ospital sa Cebu City matapos mabiktima ng food poisoning kamakailan.
Ang mga nalason ay kinabibilangan ng mga estudyantre, magulang at mga guro na dumadalo sa isang skills exhibition sa Ecotech Center sa Barangay Lahug sa Cebu.
Ayon kay Nagiel Bañacia, pinuno ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, nakaranas ng pananakit ng tiyan, diarrhea, at pagsusuka ang mga biktima.
Dinala sila sa Perpetual Soccor Hospital at Cebu Doctors Hospital.
Posibleng ang kinain ng mga participant sa nasabing exhibit ang dahilan ng pananakit ng kanilang tyan.