PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) — Tinatayang aabot sa mahigit 70 pamilya ang nasunugan sa Barangay Bancao-Bancao, Palawan Linggo ng hapon, Pebrero 18.
Ayon sa nakapanayam ng Eagle News team, nagsimula umano ang sunog sa isang napabayaan bukas gasul. At dahil dikit-dikit ang mga kabahayan at gawa sa mga light material o sawali ang karamihan sa mga ding-ding ng mga bahay ng residente, mas lalo umanong bumilis ang pagkalat ng apoy sinabayan pa ng malakas na hangin.
Dahil na rin tulong ng mga residente at bombero agad na naapula ang apoy.
Ang nasabing sunog ay umabot ng halos limang oras bago naapula ang apoy.
Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 30 na pamilya ang nanunuluyan sa Barangay Hall ng nasabing lalawigan. Wala namang naitatalang nasaktan sa mga apektado ng sunog.
Samantala, inaalam pa ng mga otoridad ang kabuuang halaga ng pinsala ng nasabing insidente.
(Eagle News Service Cedrick Salvador, Alpha Grace Torrecer)