Nasa P3.5 bilyon bawat araw, nawawala sa ekonomiya ng Metro Manila dahil sa matinding traffic

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nasa P3.5 bilyon piso ang nawawalang oportunidad sa Metro Manila kada araw dahil sa lumalalang sitwasyon ng trapiko.

Ito ang inihayag ng Japan International Cooperation Agency (JICA) batay na rin sa ginawang Transport Infrastructure Roadmap Study para sa Metro Manila.

Sinabi ni JICA Philippines Chief Representative Susumi ito, “Mas malala ngayon ang traffic sa Metro Manila kaya naman suportado ng JICA ang “Build, Build, Build” infrastructure program ng administrasyon.”

Sa ilalim ng programa, nasa pitumpu’t limang proyekto ang target na matapos sa termino ng pangulo na gagastusan ng nine trillion pesos.

Sakaling maitupad ang roadmap, sinabi ng JICA na malaki ang magiging benepisyo nito sa ekenomiya ng Metro Manila.

https://youtu.be/yoPsz0zD3pY