MANILA, Philippines (Eagle News) — Umapela ang isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng Executive Order na nag-aatas na i-donate ang nasabat na smuggled rice at payagan na ibenta ito sa mas mababang presyo,
Ayon kay Agri Rep. Orestes Salon, dahil nasa mababang lebel na ang suplay ng murang bigas ng NFA ay maaaring maglabas ng kautusan ang Pangulo na payagan ang ahensya na ibenta ang nasabat na bigas sa mas mababang presyo.
Dapat din aniyang maglagay ng monitoring system para mapigilan ang mga trader na ihalo ang smuggled rice sa commercial rice.
Sabi pa ni Salon, kinakailangang gawing prayoridad ng gobyerno ang pagpapabuti sa produksyon ng agrikultura at magkaloob ng suporta sa mga magsasaka para matugunan ang smuggling ng bigas at iba pang agricultural products.
Nitong Sabado, ika-15 ng Abril, nang masabat ng Philippine Navy ang smuggled Vietnam rice na nagkakahalaga ng P68 milyon sa isang foreign vessel sa Zamboanga, Sibugay.
https://youtu.be/ZHNs2p_Zhfg