Nasawi sa leptospirosis, umabot na sa 73

(Eagle News) — Umakyat na sa 73 ang naitala ng Department of Health (DOH) na nasawi sa sakit na leptospirosis ngayong taon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 561 naman ang nadala sa ospital dahil sa nasabing sakit.

Payo ni Duque sa publiko, agad na magpatingin sa ospital kapag nakaranas ng sintomas ng leptospirosis.

Sinabi ng kalihim na ang naitalang kaso ng leptospirosis ngayon ay mas mataas ng 275 percent kumpara noong nakaraang taon.

Sinabi ni Duque na maituturing na high-risk sa nasabing sakit ang mga taong nakatira sa mga lugar na laging binabaha. Maging ang mga nagtatrabaho sa disaster preparedness at lagi ring lumulusong sa baha ay prone aniya dito.

https://youtu.be/YPwWHuFh3GA