Natagpuang backpack malapit sa isang restaurant sa San Pedro, Davao City naisauli na; PNP PRO 11 nagpaalala sa publiko

DAVAO CITY (Eagle News) – Agad rumesponde ang Davao City Police Office (DCPO) at Task Force (TF) Davao sa isang tawag ukol sa abandonadong backpack malapit sa isang restaurant sa San Pedro Street, Davao City bandang 7:30 ng umaga ng Lunes, September 12, 2016.

Personal na pinangunahan ni PRO 11 Regional Director PCSupt Manuel R. Gaerlan ang response team at nagsagawa ng inventory ng mga gamit sa loob ng nasabing backpack. Masusing sinuri ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) team ang safe procedure ngunit naging negative naman ito mula sa anomang pampasabog o ied/s.

Ang bag ay naglalaman lamang ng laptop at charger nito, cellphone at charger, employee’s ID, earphones, pocket wifi, power bank at isang plastic case. Matapos masuri ay dinala ito sa Davao City Police Office para sa maayos na disposition at safekeeping.

Samantala, matapos ang isang oras personal namang nagpakita sa DCPO ang may-ari upang makuha ang kanyang mga gamit. Kumpleto naman niya itong natanggap matapos siyang magpresenta ng valid identification cards sa awtoridad.

Ayon kay Supt. Gaerlan, nagpapasalamat sila sa mga concerned caller at citizen sa kanilang pagtulong.

Patuloy namang pinaalalahan ng awtoridad ang publiko na ireport kaagad lahat ng mga abandonadong bags or bagahe sa kanila. I-report din umano ang lahat ng mga kahina-hinalang gamit, tao or aktibidad sa pinaka malapit na police station or tumawag sa PRO 11 “Isumbong sa Pulis” Hotline number 0917-7078547 or text sa “Itaga Mo Sa Bato” Hotline number 2286 or text 2920 or 117.

Courtesy:  Haydee Jipola – Davao City, Photo courtesy of PNP PRO XI

851439312_34653_9540440692427546806

851439454_34258_11338963203304672192

851440589_34528_6352333719067464041