MANILA, Philippines (Eagle News) — Tuluyan nang kinansela ng Department of Tourism ang sana’y inaabangang National Costume Show ng mga kandidata ng Miss Universe.
Paliwanag ni Tourism Undersecretary Kat De Castro, hindi na lang nila ito itinuloy dahil sa pagsulpot ng maraming isyu kabilang na ang gastusin at timing sa fully booked na schedule ng mga kandidata.
Orihinal na plano sana ng DOT na magkaroon ng National Costume Festival sa World Trade Center sa January 24, kung saan tiniyak pa nito na abot kaya ang magiging tickets nito para sa Miss Universe fans na aabot lang daw sa 500 pesos ang pinakamura.
Ang mangyayari ay isasama na lang ang National Costume presentation sa preliminaries ng Miss Universe.