Nagsagawa ng motorcade sa Olongapo City kaugnay sa pagdiriwang ng National Consciousness Month 2015 na mayroong layuning maihanda ang mga residente sa ibat-ibang uri ng kalamidad na posibleng dumating sa kanilang lugar.
Ang naturang pagdiriwang ay may temang “Pamilya at pamayanang handa, katuwang sa pag-unlad ng bansa”.
Pinangunahan ito ng Olongapo City Disaster Risk Reduction and Management Office o DRRMO na siyang counterpart ng NDRRMC. Dinaluhan ito ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan sa olongapo city.
(Agila Probinsya Correspondent Raquel Santos)