National Greening Program Regional Summit, isinagawa sa Lingayen, Pangasinan

Upang mabawasan ang epekto ng climate change, isang National Greening Program Summit ang isinagawa sa Lingayen, Pangasinan.

Ito ay bahagi lamang ng programa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan target nilang makapagtanim ng puno sa may 1.5 milyong ektarya sa buong bansa.

Layunin ng programang ito na ibalik ang mga puno sa kagubatan, magkaroon ng food sustainability, lunasan ang kahirapan, mabigyan ng kabuhayan ang mga mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan ng mga ipagkakaloob na insentibo at ibsan ang epekto ng climate change

(Agila Probinsya Correspondent Nora Dominguez, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)

Related Post

This website uses cookies.