National ID system sisimulan nang ipatupad ngayong buwan

(Eagle News) — Magiging epektibo na ang pagpapatupad ng Philippine Identification o PhilSys ID system sa Agosto 25.

Ito ang inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) makaraang lagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang batas noong Agosto 9.

Paliwanag ni Lisa Grace Bersales, national statistician, nakasaad sa naturang batas na magiging epektibo ang nasabing batas 15 araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan.

Nasa isang milyong ID ang unang ipalalabas ng PSA kung saan unang makikinabang dito ang mga benepisyaryo ng PPP o Pantawid Pamilyang Pilipino program.

Nakalagay sa naturang ID ang pangalan, tirahan, petsa at lugar ng kapanganakan, kasarian, blood type, larawan ng may-ari at biometrics nito.

Related Post

This website uses cookies.