National Oral Health Month celebration isinagawa sa Bongabon, Nueva Ecija

BONGABON, Nueva Ecija (Eagle News) – Bago natapos ang buwan ng Pebrero ay ginunita at ipinagdiwang ang National Oral Health Month  ng Pamahalaang Lokal ng Bongabon, Municipal Health Office, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija at Department of Health (DOH). Isinagawa nila ito sa Bongabon Town Plaza noong Martes ng umaga February 28. Ang nasabing event ay may temang “Ngiping inaalagaan at pinagyayaman, hatid ay ngiting di kukupas kailanman”. Dinaluhan ito ng mga Day Care Student mula sa iba’t ibang baranggay ng bayan ng Bongabon kasama ang kanilang mga nanay.

Nakapaloob sa programa ang Dental Talk sa pamamagitan ng puppet show. Naipakita sa mga nanunuod ang kahalagahan ng pag-aalaga at pag-iingat ng mga ngipin. Ipinakita rin ang kahalagahan ng pagsisipilyo. May intermission numbers din mula sa mga Day Care Mommy at mula sa mga Day Care Children. Namahagi din ng Dental Kit para sa mga bata at maging para sa mga nanay na buntis.

Kevin Eusebio, Eman Celestino – EBC Correspondent, Nueva Ecija

Related Post

This website uses cookies.