National Privacy Commission, may paalala sa publiko ukol sa paggamit ng social media

(Eagle News) — Hinimok ng National Privacy Commission (NPC) ang mga Filipino na protektahan ang kanilang impormasyon sa kanilang mga account sa social media.

Ayon sa NPC, bahagi ito ng kampanyang tinatawag na “unfriend day” kung saan hinihimok ang publiko na i-unfriend ang mga taong hindi personal na kilala sa social media.

Sinabi ng NPC, ang hakbang na ito ay bilang paglaban sa talamak na “identity theft” o pagnanakaw ng impormasyon o pagkakilanlan ng isang tao upang magamit sa masama gawain.

 

Related Post

This website uses cookies.