National Reading Month Celebration nilahukan ng DepEd Bislig City

1d99ff41-89f9-4ad1-9072-9a86771ef7dc

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Pinatunayan ng mga selected students ng Mangagoy East Elementary School sa Bislig City, Surigao del Sur na hindi pa rin nila isinasantabi ang pagbabasa ng mga aklat. Ito ay sa kabila ng mga makabagong gadgets sa kasalukuyan.

Araw-araw ay iba’t ibang pampublikong paaralan ang bumibisita sa Division Library Hub ng DepEd-Bislig City. Ito ang maituturing na pinakamalaking Library Hub sa buong CARAGA Region na may

  • E-library
  • Conference Room
  • Shelving Area
  • Activity Area

Ang pagbisita sa mga Library Hub ay naghihikayat sa mga estudyante na ipagpatuloy ang kahalagahan ng pagbabasa ng mga aklat. Magkaroon din ng susunod na Filipino learners na nahihilig sa pagbabasa. Ang pagbabasa ay kasangkapan para sa iba’t ibang oportunidad tungo sa pagkakamit ng masaganang kaalaman.

Tuwing buwan ng Nobyembre ay ipinagdirawang ang National Reading Month. Nakiisa dito ang DepEd Bislig City kung saan masaya itong nilahukan ng mga estudyante kasama na ang kanilang mga guro.

Kabilang sa mga nakalatag na activities ng DepEd Bislig City Division sa pagdiriwang ay ang sumusunod;

  • Mystery Reader
  • Magbasa Tayo
  • Libro ko Handog ko
  • Reading Olympics,
  • Help a Reader Be a Volunteer
  • Reading Family
  • KaREADthon
  • Parade of Characters

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Bislig City, Surigao del Sur