Nationwide curfew para sa mga kabataan isinusulong

MANILA, Philippines (Eagle News) — Isinusulong ni Bagong Henerasyon Party-List Representative Bernadette Herrera-Dy ang pagkakaroon ng nationwide curfew para sa mga kabataan.

Batay sa nasabing panukala, hindi na maaaring lumabas pa ang mga kabataang edad 18 pababa kapag alas-10:00 na ng gabi hanggang ala-5:00 ng madaling araw.

Paliwanag ni Dy, nararapat ng magpatupad ng nationwide curfew dahil talamak na ang mga mapang-abusong tao saan mang panig ng bansa.

Bukod naman sa community service na parusa sa mga mahuhuli ay pagmumultahin din sila at mananagot ang mga magulang ng mga mahuhuling bata.