Nationwide protest vs tuition hike, kasado na

https://youtu.be/tpQAVpqCbx8

MANILA, Philippines — Kasado na ang “nationwide walkout” ng iba’t-ibang grupo ng mga kabataan laban sa pagtaas ng matrikula. Itinakda ito sa Pebrero 24 at Marso 11.

Ayon kay Anakbayan Chairperson Vencer Crisostomo, ilulunsad ang walkout makaraang isapubliko ng kabataan partylist group ang isinagawa nilang pag-aaral kung saan lumalabas na dumoble ang tuition rates ng iba’t-ibang paaralan sa panahon ng administrasyong Aquino.

Nakaamba ang pagtataas ng matrikula sa halos 400 pribadong kolehiyo sa buong bansa sa susunod na pasukan. (Eagle News Service)