(Eagle News) — Kinumpirma ni Commissioner Prospero De Vera ng Commission on Higher Education (CHED) na mayroong diskusyon na muling ipatupad ang National College Entrance Examination (NCEE).
Ito ay para ma-control ang posibleng pagdagsa ng mga estudyante sa state universities and colleges dahil na rin sa libreng matrikula.
Ayon kay Commissioner De Vera, ang NCEE ay maaaring maging gabay ng SUCs sa pagtanggap at pag-papanatili ng mga estudyante.
Gayunman, iginiit niyang kailangan ng suporta ng Kongreso ang muling pagpapatupad ng NCEE, dahil ito ay nabuwag sa pamamagitan ng isang batas.