NBI clearance, gagawing unified clearance system

MANILA, Philippines (Eagle News) — Magiging multi-purpose o iisang klase na lang ang iisyung clearance ng National Bureau of Investigation.

Sa Department Circular Order ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, iniutos nito sa NBI na mula sa specific purpose ay palitan ang mga kasalukuyang format ng NBI clearances ng may katagang “issued for whatever legal purpose.”

Ayon kay aguirre, ang Unified NBI Clearance System ay isang paraan para makatipid ng salapi at panahon ang mga Filipino.

Sa kasalukuyan, iba’t- ibang klase ang iniisyung clearance ng NBI depende kung saan ito gagamitin gaya ng employment, travel abroad, marriage, business requirement, change of name, naturalization at iba pa.

Sisimulang ipatupad ang general o multi-purpose NBI clearance, 15 araw matapos mailathala ang notices sa mga pahayagan.

Related Post

This website uses cookies.