By Erwin Temperante
(Eagle News) — Sarado na ang alegasyong pinupukol ng ilang dating miembro ng Iglesia Ni Cristo sa isyu ng di umano’y pagdukot sa mga ministro ng INC.
Ito ang binitawang salita ni National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Organized Trans Crime Division Chief Manuel Antonio Eduarte.
Paliwanag ng NBI, kanilang tinungo ang lugar ng Tandang Sora sa Quezon City upang alamin ang mga naglabas ng alegasyon na nakita sa social media sites at maging sa mga report sa telebisyon, radio at pahayagan.
Bagamat hindi sila hinayaang makapasok sa loob ng compound ng mga nagsasabing sila ay di umano hostage, wala silang nakikitang katotohanan sa bagay na ito.
Para sa NBI, tapos na ang kaso at hindi na dapat pa itong pag-usapan base na rin sa naging imbestigasyon ng kanilang mga tauhan. (Eagle News Service)