MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinabulaanan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief director Oscar Albayalde ang mga lumabas na balita na pinasusuko niya ang mga barangay official na nasa drug watch list.
Ayon kay Albayalde na incoming PNP chief, ang sinabi niya ay dapat sumailalim sa drug test ang mga opisyal ng barangay lalo na’t may plano ang mga ito na tumakbo sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa ganitong paraan aniya ay maipapakita sa publiko na malinis ang mga nangangasiwa sa kanilang mga barangay kahit walang batas para sa mandatory drug test.
Kasabay nito, tiniyak ni Albayalde na nakahanda ang kanilang puwersa para sa Barangay at SK elections partikular ang mga election watchlist area.
https://youtu.be/pZ-QMBJkels