NDF Philippines Senior Adviser Luis Jalandoni, bumwelta kay Pangulong Duterte

(Eagle News) – Bwineltahan ni National Democratic Front of the Philippines Senior Adviser Luis Jalandoni si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos nitong lagdaan ang proklamasyon na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines at armed wing nitong New People’s Army bilang teroristang grupo.

Ayon kay Jalandoni, hindi maniniwala ang taumbayan na ang CPP-NPA ay teroristang grupo dahil mismong si Pangulong Duterte umano ang terorista dahil sa dami ng pinapatay nito sa kaniyang drug war.

Sa ilalim ng Proclamation 374 na nilagdaan ng Pangulo, idineklara ang CPP-NPA bilang terror group sa ilalim ng Republic Act No. 10168.

Noong isang buwan ay tuluyan ng pinutol ng punong ehekutibo ang usapang pang-kapayapaan ng gobyerno at komunistang grupo dahil sa mga pag-atake ng NPA sa mga pulis at sundalo. (Eagle News Service)