NEDA, minamadali ang investment plan sa Boracay

(Eagle News) – Inihahanda na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang investment program, isang buwan bago muling buksan ang isla ng Boracay.

Ayon kay NEDA Undersecretary for Regional Development Adoracion Navarro, magiging kapareho ito sa programa para sa mga naapektuhan ng Marawi Seige.

Tatlong buwan itong bubuuin ng NEDA na nakabatay sa medium-term action plan framework na una nang ginawa ng ahensya.

Layunin ng programa na makatulong sa paglago ng Boracay sa pamamagitan ng pagpe-preserba ng likas na yaman nito.

https://www.youtube.com/watch?v=j3zrmOEXUko