Nego cart ipinamahagi ng DSWD sa Morong, Bataan

MORONG, Bataan (Eagle News) – Mahigit sa 30 pamilya ang nakinabang sa ipinamahaging Nego Cart ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Morong, Bataan. Pinangunahan ni Mayor Cynthia Estanislao ang nasabing programa na naglalayong makatulong sa pangangailangan ng mamamayan sa nasabing lugar. Malaki rin ang maitutulong nito sa pangangailangan nila sa araw-araw.

Ayon sa alkalde, inaasahan nila na malaki ang maiaambag nito sa pamumuhay ng mga kababayan nilang nagsusumikap na mabuhay ng marangal. Nagpapasalamat naman ang mga pamilyang nakinabang sa programa ng DSWD maging sa kanilang alkalde.

Juliet Dalsen at Larry Bischoco -EBC Correspondent, Bataan