‘Negosyo at Pasalubong Center’ sa San Jose, Nueva Ecija bukas na publiko

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija (Eagle News) – Pormal nang pinasinayaan kamakailan ang ‘Negosyo at Pasalubong Center’ sa lungsod ng San Jose. Ito ay matatagpuan sa Cardinas St. Barangay Poblacion, San Jose City malapit sa Core Gateway College.

Layunin nito na magbigay ng agapay sa mga magsisimula at mga nakatatag ng negosyo. Ito ay pinangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI), miyembro ng Nueva Ecija Micro, Small and Medium Enterprises Development Council (NESMEDC), kawani ng lokal na pamahalaan at mga negosyante.

Ayon sa DTI, layunin nitong ilapit sa mga kababayan ang mga serbisyo ng tanggapan na hindi na kailangan pang gumastos at dumayo sa punong tanggapan sa Cabanatuan. Nais din nila na mapagsama-sama ang mga gawang produktong lokal tulad ng iba’t-ibang food products na longanisa, yema spread, pastillas, pastries, dried tomato, at marami pang iba.

(Bhella Santiago – EBC Correspondent, Nueva Ecija)

 

Related Post

This website uses cookies.