Nagpahayag ng papuri at paghanga sa mga pamunuan ng New Era University si ACB Executive Director Atty. Roberto Oliva dahil sa pagkakaroon ng Asean Study Center sa nasabing pamantasan, na isinagawa noong nakaraang Lunes, ika-29 ng Pebrero sa launching ng NEU-ASEAN Study Center sa 3rd floor ng Professional Schools building sa New Era University.
Ayon kay Atty. Oliva, sa kasalukuyan ay nakatuon ang pansin ng buong mundo sa ASEAN region dahil sa ito ay pang pito sa mayroong pinaka malaking ekonomiya sa buong mundo at tinatayang by 2050 ay magiging pang-apat na ito sa may malaking ekonomiya sa ASEAN region.
Ang market din ng ASEAN region ay mas malaki sa Europe at sa hilagang Amerika. Sinabi pa ni Atty. Oliva na ang pagkakaroon ng ASEAN study center ay makakatulong para maging progresibo at matagumpay hindi lamang ang Pilipinas kundi ang iba pang mga bansa sa asean region.
Ipinahayag ni Atty. Oliva na masaya sila na naging partner nila ang New Era University sa ganitong proyekto ng pamantasan. At sa ngayon aniya ay tanging ang NEU pa lamang ang mayroong ganitong uri ng study center sa Pilipinas.
(Jet Hilario, Eagle News Correspondent)