MANILA, Philippines (Eagle News) — Dahil sa nangyaring sunog sa Parola Compound sa Tondo Manila nitong Martes, Pebrero 7 marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng tahanan at kabuhayan dahilan upang pansamatalang magpalipas ng magdamag sa kalye ang mga nasunugan.
Tinatayang nasa 3,000 na residente ang naging apektado nito at isang libong kabahayan ang tinupok ng apoy.
Kaagad naman nagpaabot ng tulong ang Iglesia Ni Cristo sa pamamagitan ng pagbubukas ng gusaling sambahan at compound para sa mga nasunugan upang doon ay maaccomodate ang mga kababayan at mga miyembro nito na nasunugan.
Bukod sa mga nasunugan na nasa INC compound ay nilingap din ng Iglesia Ni Cristo ang mga biktima na pansamantala namang nanunuluyan sa Delpan Sports Complex.