NFA rice, balik na sa merkado

Photos courtesy of Eagle News Service Earlo Bringas

(Eagle News) — Ininspeksyon ng National Food Authority (NFA) ang ilan sa pangunahing palengke sa Quezon City gaya na lamang ng Commonwealth Market kaninang umaga, pagkatapos na maibalik sa merkado ang mas murang imported NFA rice.

Kasama sa nag-ikot si NFA Administrator Jayson Aquino sa mga tindahan ng bigas sa Commonwealth Market naabutan pa ang ilang mga mamimili na 27 pesos na variant ng NFA rice ang piniling bilhin.

Naging positibo naman sa mga mamimili ang muling pagbabalik merkado ng NFA rice.

Ayon kay National Food Authority Administration Jayson Aquino wala anilang posibilidad na magkaroon ng panic buying ng ating mga kababayan sa pagbili ng NFA rice.

Hindi na anila papayagan ng NFA ang muling zero buffer stocking ng NFA rice sa bansa.

Sa pamamagitan ng Presidential Approval, magkakaroon anila ng government procurement na isa sa pinakamabilis na paraan upang maka-angkat pa ng kinakailangang buffer stock para sa food security at price supply stabilization.

Mahigpit din nilang babantayan ang mga pangunahing palengke sa bansa upang masiguro na walang mananamantalang mga retailer na nagbebenta ng NFA rice.

Sa ngayon, limitado lang muna sa limang kilo ang maaaring bilhin ng kada consumers dahil sa limitadong stock pa nito sa merkado.

Sakali na makumpleto na ang stocks ng NFA rice sa bansa bababa na din anila ang presyo ng ilang mga commercial rice na aabot sa piso hanggang dalawang piso.

Hindi pa anila naiuunload lahat ng mga stocks ng nfa rice dahil sa masamang panahon nasa 90 percent pa palamang ang dumating na stock ng NFA rice sa bansa.

Inaasahan din na mabibili na sa merkado ang isa pang variant ng NFA rice na halagang 32 pesos sa mga susunod na linggo.

Bukod sa commonwealth market inikot din ng NFA ang ilan pang mga pangunahing palengke sa Quezon City upang siguruhin na walang na nanamantalang mga dealers sa muling pagbabalik merkado ng NFA.

(Eagle News Service Earlo Bringas)

Related Post

This website uses cookies.