NFA rice, mananatili sa P27 at P32 kada kilo

(Eagle News) — Hindi magtataas ng presyo ng bigas ang National Food Authority.

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, ang presyo ng NFA rice ay mananatili sa 27 at 32 pesos kada kilo, batay na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag magtaas ng presyo ng bigas na galing sa ahensya.

Sa ngayon, pinaghahandaan na nila ang panahon ng tag-ulan dahil kinakailangan nilang punuan ang buffer stock na magagamit sa mga apektado ng kalamidad sa bansa.

Agad naman itong ibababa sa oras na gumanda na ang lagay ng panahon at idi-distribute na sa mga pamilihan.