NGOs namahagi na rin ng mga relief good sa mga nasalanta ng baha at landslide sa Mariveles, Bataan

 

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Kumilos na ang ilang mga nongovernment organization upang magpaabot ng tulong sa mga pamilyang apektado ng baha at landslide sa Mariveles, Bataan.

Nag-abot ng tulong ang presidente ng paaralan ng Maritime Academy na nakabase sa Brgy. Alasasin at namahagi ng relief goods ang mga estudyante nito.

Namahagi din ng relief goods ang Brgy. Balon Anito Elementary Teachers and Parents Association.

Nakapag-abot din ng relief goods ang Rotaract at Rotary Club of Mariveles at ang Gig Amazing Sampaguita Foundation sa halos lahat ng apektadong barangay.

Una nang naibalita na isag Grade 2 student ang napatay matapos maglandslide at madaganan ng malaking tipak na bato.

Masuwerte namang nakaligtas ang ina nito habang natutulog sa kanilang tahanan sa Brgy. Lukanin. Larry Biscocho

 

Related Post

This website uses cookies.