AURORA, Isabela (Eagle News) – Ipinagbibigay alam sa lahat ng mamamayan na nakatira malapit sa ilog ng National Irrigation Administration (NIA) na maaaring magpakawala ng tubig sa Magat Resorvior anumang araw mula ngayon. Ito aniya ay sanhi nang tuloy-tuloy na pag-ulan sa Magat Watershed.
Mula sa dalawang metro kubiko bawat segundo (200cms) ang pakakawalan tubig at maari pa aniyang madagdagan ito depende sa lakas ng ulan sa watershed. Kaya ipinapayo sa lahat na iwasan ang pagtawid sa tubig ng ilog dahil ito ay mapanganib. Ang mga gamit at alagang hayop ay dalhin na rin aniya sa ligtas na lugar.
(April Valdez – EBC Correspondent, Aurora, Isabela)