Ni Nora Dominguez
Eagle News Service
LINGAYEN. Pangasinan (Eagle News) – Mahigit 5,000 trabahong lokal at sa abroad ang ipagkakaloob sa Night Job Market para sa mga Pangasinense sa Araw ng mga Manggagawa (Labor Day) ngayong araw, Mayo 1.
Ito ay isasagawa sa Pangasinan Public Employment Service Office (PESO) sa Lingayen, Pangasinan.
Ayon kay Arly Valdez, information officer ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng Ilocos Region, nasa 5,515 na trabaho ang maaaring aplayan ng mga naghahanap ng trabaho sa nasabing job market, na mag-uumpisa sa oras na alas 5:00 ng hapon at magtatapos sa oras na alas 12 ng hating gabi.
Lalahukan ng halos 16 na local companies at anim na foreign agencies ang nasabing aktibidad, na proyekto ng Provincial Government ng Pangasinan at DOLE, bahagi ng paggunita sa Araw ng Paggawa.
Ayon kay Alex Ferrer, head ng Pangasinan PESO, layunin ng Pangasinan Night Job Market na bigyan ng pagkakataon ang mga underemployed na mga manggagawa na nagtatrabaho sa umaga para makapaghanap ng kanilang mas ninanais na trabaho.
Ayon sa Philippine Information Agency ilan sa mga hinahanap sa lokal na lebel ay:
- Production Operators
- Sewers
- Cook
- Security and lady guards
- Encoder
- Mechanical Engineer
- Machine operator
- Accounting and office staff
- Nurse
- Carpenters
- Mason
- Heavy equipment operators
- Tile setters
- Plumbers
- Welders
- Scaffolders
- Teachers
- Electrician
- Technician
- Foreman
- Credit and collection manager
- Sales personnel
- Project coordinator
- Account manager
- Area supervisor
- Account executive
- Sales promoter
- Customer service representative
- Quality control inspector
- Assistant branch head
- Plant checker
- Truck driver
- Account development specialist
- Cashier
- Waiter
- Accounting associate
- Property custodian
- Service crew
- Administrative officer
- Engineers
- Japanese interpreters
- Warehouseman,
- Tax compliant staff
- Merchandisers
- Barista
- Checker
- Auto electrician
- Route salesman at iba
Habang ang para sa abroad naman ay ang mga sumusunod:
- Welder
- Cleaner
- Waiter
- Cook
- Stewards
- Nurses
- General worker
- Skin specialist
- Beautician
- Administrative staff
- General supervisor
- Technician
- Factory workers
- Asphalt workers
- Loader or milling operators
- Forklift mechanic
- Car carrier driver
- Diesel mechanic
- Excavator operator
- Truck driver
- Auto electrician
- Steel fixer foreman
- Glass processors
- Glaziers
- Concreter
- Carpenters
- Scaffolders
- Restaurant supervisor
- Optometrist
- Computer programmer
- X-ray technician
- Laboratory technician
- Lens cutter technician
- Construction helpers
Ipinayo Ferrer na dapat magdala ng higit limang kopya ng kanilang resume at ibang credentials ang mga mag-aapply ng trabaho para sa pagkakataon na maging hired-on-the-spot.