No boycott for Duterte – NUJP

(Eagle News) — Wala umanong mangyayaring boycott laban kay incoming president Rodrigo Duterte at hindi isusuko ng media ang tungkulin na bantayan ang mga anomalya sa gobyerno.

Ito ang tiniyak ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kaugnay ng panawagang boycott laban kay Duterte dahil sa umano’y foul statements nito laban sa mga mamamahayag kung saan matatandaang isa sa mga binanggit ni Duterte na madalas na napapatay ang mga miyembro ng media dahil aniya sa katiwalian .

Ayon pa NUJP talagang may mga miyembro ng media na hindi makaiwas sa korapsyon subalit hindi anila ito maaaring maging tamang katuwiran sa media killings.

Samantala, umaasa naman ang NUJP na malulutas sa ilalim ng Duterte admnistration ang hindi anila maayos na working condition ng mga taga-media na madalas anilang nagtatrabaho ng mahabang oras subalit hindi sapat ang kompensasyon.

Related Post

This website uses cookies.